"So, how's your relationship with your husband?"Napahinga nang malalim si Vien matapos iyong tanungin ng tatay niya. Katatapos niya lang sa gawain niya at nagpapahinga na siya ngayon. "Medyo ayos naman po, Dad. Kahit papaano po ay ayos kaming dalawa," sagot niya bago kumagat muli sa burger na hawak niya.Napatango-tango ang tatay ni Vien. Kinuha nito ang milk shake at binigay kay Vien. Kinuha naman nito ang binibigay ng Daddy niya. Matapos ang ilang saglit matapos niyang uminom ng shake na iyon, ay biglang bumaliktad ang sikmura niya. Nagmamadali siyang tumakbo sa sink."Anak? Are you okay?" alalang tanong ng tatay ni Vien habang hinahagod ang likuran niya. Nagmumog muna si Vien. "I-I'm okay lang, Dad." sagot naman ni Vien. Bumalik na siya sa inuupuan niya kanina. "You sure, anak?" tanong ulit ng tatay niya. Tumango lang si Vien. "Sige na, magpahinga ka na muna. Just tell me if you need something, okay?"Habang nakahiga si Vien, pinagmamasdan niya ang text messages nila ni Regulus.
Read more