“I advise you to stay here for at least two to four hours for observation. Anaphylaxis cases have a biphasic reaction sometimes, so we need to monitor your condition. I also advise you to always carry your EpiPens at all times wherever you go. Mas maigi nang laging handa, Miss Certeza,” mahabang pahayag ng doktor na tumingin kay Ariella.Kasalukuyan pa siyang nasa may emergency room ng ospital na pinagdalhan sa kanya ni Justin. Agad siyang binigyan ng paunang lunas dahilan para naagapan ang allergy reaction na kanyang naranasan.Dahil nga sa mga nangyari sa restaurant kanina ay nawala na sa isipan niyang suriin muna ang mga pagkaing nasa mesa nila ni Justin. Bata pa lang ay malubha na ang epekto sa kanya sa tuwing nakakakain siya ng hipon at iba pang seafood. Dahilan iyon para maging mapanuri siya sa mga kinakain niya. Sinisiguro niya, maging ng kanyang mga magulang, na walang ano mang halong seafood ang mga pagkain niya.Maliban lang kanina. Ariella forgot about it because of Gael. P
더 보기