“I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa siyang natawa dahil sa kanyang mga sinabi. Tapos niya nang ayusin ang suot nito at ngayon ay nakatayo na lamang sa tabi ni Lucas.He just looked at her sharply. Nanliit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya pero alam ni Ariella na hindi galit ang binata. Katunayan ay may nasilip pa rin naman siyang kaaliwan sa mukha nito kahit pa seryoso ang ekspresyong naroon.Katulad ng sinabi niya, alam niyang hindi iyon ang tamang oras para magbitiw pa siya ng kalokohan. Alam niya namang hindi biro ang problemang kinakaharap ng mga Olvidares na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin natatagpuan ang padre de pamilya ng mga ito.Ganoon pa man ay hindi talaga maiwasan ni Ariella na biruin si Luc
اقرأ المزيد