Nakatingin lang si Yna sa pinagpapawisang lalaki kahit malamig ang panahon, dahil sa paghigop nito ng sabaw. Tingin niya, ngayon lang ito nakatikim ng lutong bahay.“Perfect! Mas masarap ang timpla mo. The best— ever!” Natawa siya habang nilalantakan ang vegetable salad na ginawa nito.“Ilang beses mo na iyang binanggit, Mr. Del Rio. Umpisa hanggang matapos kumain talaga?!” Umiling-iling siya.“Kapag ganito kasarap ang luto, uuwi agad ako nang maaga galing trabaho. Baka makalimutan ko na rin pati ang diet na sinasabi nila.”“Naku, Mr. Del Rio! Kasalanan ko pa na tumaba ka at ma-turn off ang mga babaeng umaaligid saiyo,” irap niya rito.“Kung ikaw ang magluluto lagi sa akin ng ganito, wala akong pakialam sa mga iyon. At, masaya na akong makulong ng ilang araw dito sa farm kasama ka.” Biglang tumahip ang dibdib niya sa sinabing iyon ni Knight. Sa kilos nito, na-conclude niyang binata at mukhang wala itong sabit. Dahil kung mayroon man, dapat nandito iyon. “Dinaan mo na naman ako sa m
Read more