LOGINNapatingin si Yna sa nakaawang na pinto sa harap ng kaniyang opisina. Napangiti siya dahil nasundan pa ang paglabas nila ni Knight. Maginoo naman ito pero madalas sumisingit ang pagkapalikero ng lalaki, na madalas na binabalewala niya dahil iyon naman ang dapat. Sa department nila sa kompaniya na iyon, marami na siyang nakasapamuha na katulad nito kaya umiiwas na siya.Napailing na lang si Yna. May mga lalaki pa rin kasi na ang taas ng tingin sa sarili. Akala nila lahat makukuha sa mga pahaging na ganoon. Lampas na siya sa ganoong panahon. May kasintahan na rin siya kaya rito na lang niya itinutuon ang pansin.Just a plain business! wika niya sa isip at nag-umpisa ng magtrabaho. Subalit, ngulat siya nang biglang lumitaw si Knight sa pintuan ng opisina niya.“Hello! May I invite you to my office for some snacks? I also have a draft of the layout for a small park I’m planning to build in the median of the highway, aimed at enhancing the visual appeal for drivers,” tuloy-tuloy nitong wi
Pakiramdam ni Knight sa mga sandaling iyon ay nasa alapaap siya, dahil kasama niya ang babaeng kagabi pa siya hindi pinatutulog sa kaiisip. Nalaman niya mula sa inutusan niya na ang isa sa mga director ng kompanya ng mga Laxamana ang boyfriend nito. Hindi niya alam kung bakit, pero nasasaktan siya sa kaalamang iyon. Subalit para sa kaniya, hangga’t hindi pa naikakasal ang babae ay single pa rin ito. Wala pa ring sabit.“Sir, magtitinginan na lang po ba tayo?” tanong ng kaniyang kaharap na may pagtataka sa mukha.Tumingin siya sa relos niya para hindi halata ang ginawa niya. “I’m sorry . . . I’m just thinking why you’re still single up to now.” Nakita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga pero pinanatili pa rin nito ang pagka-professional sa mukha. “Sir, may boyfriend ako at trabaho ang pinag-usapan natin kaya ako sumama sa iyo. Actually, we’re planning to have a lunch outside but . . .” Tumigil ito at tumingin sa phone na hawak.“But he is not around. Kung ako sa boyfriend mo hindi k
Mula sa pinto ng opisina ni Yna ay nakita niya ang pagpasok ng assistant ni Faye noon, at ngayon ay nagtatrabaho na para kay Mr Del Rio. “Engr. Yna, ipinapatawag po kayo ni Sir Knight sa opisina niya. Magdala daw po kayo ng notes,” magalang na wika nito. “Aalis din po ako dahil pinagdadala niya ako ng dokumento kay Sir Edward. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pinag-usapan ninyo, mamaya sabihin niyo lang sa akin at tutungan po kita.”Tumango siya. “Salamat. Sige, pupunta na ako doon.”Tumango rin ito at nagpaaalam na dala ang mga dokumentong tinutukoy na dadalhin papunta kay Mr. Laxamana. Kinuha niya ang kaniyang notes at nagdala na rin ng ballpen. Napatingin siya sa relong nasa bisig, pasado alas-dose na ng tanghali. Lunch break na pero kailangan pa nilang mag-usap? Para saan? Mukhang umpisa pa lang ay mahirap na itong katrabaho, at mukhang wala itong lunch break na tinatawag.Inayos niya sarili at kinuha ang blazer na suot kanina. Isinuot niya iyon bago lumipat sa opisina ng bago
Habang nasa loob ng opisina ni Faye si Knight, bago mag-start ang meeting, ipinaayos niya kay Nikki ang lahat ng folder ng mga engineer doon. Iyon ang pamimilian niya para sa limang taong kailangan niya para sa bagong proyektong gagawin. Binasa niya ang lahat ng profile ng mga ito at masasabi niyang magagaling ang lahat— wala siyang itulak-kabigin. Ang plano at presentation ng mga ito ay talagang humahanay sa pang-international, ngunit ang gusto niyang kasama ay hindi magiging kakumpetensiya sa plano niya. Ang gusto niya ay iyong mag-s-suggest sa kaniya kung ano pa ang ikakaganda ng lahat. Sa nakita at naobserbahan ni Knight sa katatapos lang na meeting, isa lang nakagawa niyon. At iyon ay si Yna. Lihim siyang humanga sa determinasyon nito. Bukod roon, may respeto rin ito sa kung sino ang mamumuno sa proyekto— at siya naman iyon.Itinabi na niya ang folder ng dalaga. May napili na rin siyang apat pero nakukulangan pa siya sa trabaho ng mga ito, kaya kailangan niyang mag-extend ng isa
Pagpasok pa lang ni Yna sa opisina ng kasintahan, nakita niyang seryoso ang mukha nito at tila hindi mapakali na yumakap sa kaniya.“I’m sorry . . .”Yumakap din siya rito. “Okay na iyon. At saka, kung galit ako hindi ako pupunta dito. Let’s eat,” wika niya at inaayos ang dalang folder sa mesa nito. “Can I put my things here?”“Sure! Always.” Kinuha nito ang mga dala niya at ito na mismo ang naglagay sa mesa nito, saka siya inalalayan sa mini pantry nito.Nakita niya ang isang bungkos na rosas doon. “What is this? Kilala kita na hindi nagbibigay ng ganito?” nagtatakang tanong niya.Ngumiti ito at kumamot sa batok. “Yeah. But I am planning to give that to you a while ago but suddenly you walk out.”“No, I’m not—”Mabilis na kinuha ni Harold ang bulaklak at inabot sa kaniya. “Babe, for you. I just want to remind you, that you are my love. The one and only.”Kinuha niya ang bulaklak at ngumiti. “Thank you.” Pero kahit anong kapa niya sa damdamin, wala talaga siyang kilig na naramdaman s
Nagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana, ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye. May urgent meeting daw silang lahat na empleyado nito. Kinabahan siya dahil huling beses nilang ginawa iyon ay noong biglang nawala ang project nilang hawak, dahil sa malaking bulilyaso sa site na halos kalahati ang ikinalugi ng kompanya. Kaya naman todo kayod sila para mabawi ang halagang iyon. Sa ngayon, nabawi na nila iyon pero puhanan lang ang bumalik. Kung sa kaniya, maayos na iyon kaysa sa wala. Pero iba ang isip ng boss nila. Ang gusto nito ay mabawi ang puhunan at lahat ng nagastos nito.Wala naman siya pakialam doon basta mahal niya ang trabaho niya. Ang kinatatakutan niya lang ay kapag nangayari iyong muli. Baka kasi magresulta iyon ng pagbabawas ng mga tauhan at mapasama siya. Kaya naman todo dikit ang kompanya nila sa mga malalaking proyekto o kaya naman ay nakikipag-partner sila sa malalaking kompanya. “Good morning, Engineer Yna!” bati ng isang gua







