Angel Mendoza’s Point Of View “Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa driver natin, Love?” tanong ni Lukas habang nagkakape. Kanina pa siya nakatingin sa akin, tila sinusuri ang suot kong blaco bodycon dress. “And why are you dressed like you’re attending a gala?” “May pupuntahan lang akong kaibigan, Lukas. Don’t worry about me,” nakangiti kong sagot. Pilit na ngiti. “Enjoy your day at the office. I’m sure Allyza, your secretary is waiting.” Nabulunan nang bahagya si Lukas. “W-What? I mean, yes, may meeting kami. Sige, aalis na ako.” *** Saviano Modeling Agency Building. Habang naglalakad ako sa glass doors ng main lobby, hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit. Dalawang taon. Dalawang taon akong nakulong sa loob ng bahay at puro pagluluto at paglilinis lang ang inatupag ko. Ngayon, nandito ako para bumalik sa dating buhay ko. Kung saan talaga ako nababagay. Saglit akong napatingin sa tabi ko, si Darken, seryoso lang itong nakatingin sa akin at para bang alam na alam na an
最終更新日 : 2026-03-08 続きを読む