“Ano bang pinagsasabi mo, Knight?” asik ko.“Uulitin ko ang tanong ko, Zai. Anak ko ba si Dion?” hinawakan niya nang madiin ang pulsuhan ko.“Ano ba, Knight, sinasaktan mo ako eh.” pilit kong inagaw ang kamay ko sa kanya pero pilit din niya akong hinahawakan.“Answer my question, Zai,” galit na ani nito“Sasabihin ko na, basta bitawan mo muna ako, ang sakit eh,” reklamo ko kaya agad-agad din niya akong binitawan.“Anak ko ba siya, Zai?” pag-uulit niya. Wala na akong ibang magawa kundi sabihin ang totoo. Yumuko ako at dahan-dahang tumango, wala akong magawa sa mga oras na ’yon.“Uu, anak mo siya, Knight!!” usal ko.“What? Ba’t mo naman itinago sa akin? Over a year, may anak ako sa’yo? Ano ba, Zai, ba’t ’di mo man lang sinabi!!” singhal niya sa akin. Hinarap ko siya, naiiyak ako, sa puwedeng sabihin ko sa kanya kung paano ako nagdusa nang iniwan niya akong dinadala ang anak niya, anak namin.“Bakit? Sa tingin mo ba matutuwa ka sa sasabihin ko sa’yo? Knight, hiniwalayan mo ako, ’di ba? W
Read more