KNIGHT ARKIE FUENTES POV.... “Ba’t ang tahimik n’yo naman atang dalawa?” sambit ni Yuan na kakarating lang.“Tsk! Ewan ko kay Knight, palagi namang tahimik ’yan,” saad naman ni Marcos.“Hayst, 9 PM pa naman. Labas tayo? Kakain tayo, treat ko na,” aya ni Yuan.“Abay himala, ngayon ka lang nag-aya, treat mo pa,” singit ni Marcos.“Para ka namang ewan, Marcos eh! Ano, Knight, G ka ba?” tanong nito. Napatingin ako sa kanya.“Tsk, sige na nga. Gusto ko rin makapaglibang, marami akong iniisip ngayon,” pagpapayag ko.“Like what?” sabay nilang sabi. Sinamaan ko lang sila ng tingin.“Sabi ko na nga ba, huwag na eh. Tara na,” natatawang saad ni Yuan. Nauna sila kaya tumayo na rin ako sa kama.Naglakad na kami palabas. Kulitan tong dalawa kung magkaibigan, pero ako tahimik lang talaga.Nang makalabas kami, naghanap agad kami ng makakainan. Nagugutom din kasi ako kaya kakain na ako.Napahinto ako nang may makita ako. Tinitigan ko ito nang seryoso. Ang saya niya, ang mga tawa niya, nagpapahiwatig
Read more