Nagising ako, yayakap sana ako pero napakalambot naman ata ng nayakap ko. Nakapikit lang ako, kinakapakapa ko ito. Dumilat ako—unan na pala itong yakap ko. Wala na siya. Iniwan niya ba ako? Bumangon ako at kinukusot-kusot ang mata ko. Nakita ko si Knight, nakatalikod, may kausap sa telepono at bihis na bihis siya. Siguro makakauwi na siya ngayon. Tumayo ako at pinuntahan siya.“Knight.” Mahinang banggit ko sa pangalan niya. Tumingin ito sa akin.“I’ll call you later,” saad niya sa kausap bago ibinaba ang CP niya.“You’re awake, baby,” ngiting sambit niya sa akin.“Baby ka riyan, di na ako bata,” irap kong saad sa kanya. Tumawa siya, mas lalo lang siyang nagiging attractive.“You’re always my baby anyway. Uuwi na tayo.” Niyakap niya ako. Ano ba ang nangyayari sa kanya?“Bitawan mo nga ako. Di porket tayo na, magagawa mo na lahat ng gusto mong gawin sa akin,” singhal ko, na ikinabigla niya.“Gagawin ko gusto kong gawin sa’yo. Ready na nga ako sa anohan, eh—roar,” ngising sambit niya, a
Read more