"Oh, magkasama kayo?""Ay, butiki!! Naku naman, Knight, papatayin mo ba ako? Basta-basta ka na lang sumusulpot eh." Kabang ani ko, bigla ba naman siyang sumulpot."Ilagay mo na lang sa lamesa 'yan, Zan. Salamat," ani ko. Dito pumasok naman si Zander. Ilang hakbang pa lang ako nang hawakan ni Knight ang kamay ko."Ano na naman ba, Knight? Pagod ako.""Ba't kayo magkasama? Kung sinabi mo lang sana na gusto mo magpasama, edi sana sinabi mo sa'kin. Hindi 'yung nagpapasama ka sa ibang tao," sermon nito. Teka, nagseselos ba siya?"Nagseselos ka ba?" ngising sambit ko, inaasar ko pa siya."No!""Asus, aminin mo na-""Yes, I'm fvcking jealous, Zai! Bakit ba kasi lagi mo na lang akong pinagseselos?" galit na ani niya. Napatawa ako."Ha? Bakit kita laging pinagseselos? Knight, walang tayo. Wala kang karapatan magselos kasi wala namang tayo. May asawa ka. Boyfriend ko si Zander, kaya pwede ba, pabayaan mo ako? Si Dion lang ang punta mo dito, hindi 'yung pakikialaman pati ako. Tandaan mo, Knight,
Read more