Se connecterPaano kong ang Isang relasyon na pinaniniwalaan mong mag tatagal nang pang habang buhay ay masisira lang? Si Zaiyena ay isang magaling na doctor sa isa ring sikat na hospital, sa nakaraan niya ay may naka relasyon siya at dahil sa hindi niya malamang dahilan ay naghiwalay sila. Nagkaroon sila nang anak na pinangalan niyang dion, pinalaki niya ang kanyang anak kasama ang kanyang ina at ang matalik niyang kaibigan na si Zander. Mangyayare ring magkikita ang dalawang pusong dati nang nagmamahalan, makikita nila ang isat-isa at doon din malalaman ni knight na nagkaanak sila nang dati niyang kasintahan na alam niyang labis niyang minahal. Maibabalik paba ang kanilang dating pagsasama o mas tuluyan silang lalayo sa isat-isa?
Voir plusFLASHBACK///
“Please don’t leave.” Naiiyak kong sambit sa boyfriend ko.
We're almost 3 years, at ngayon tinatapos niya na ang lahat sa amin. Hindi ko matanggap. Mahal ko siya.
Andito kami ngayon sa unang lugar kung saan kami unang nagkita. Akala ko nga magde-date kami, pero sa mga sinabi niya, hindi ko magawang tanggapin na iiwan niya ako.
“We’re done, and I’m really sorry, pero kailangan kong sundin ang mga parents ko.”
“Paano ako ha? Iiwan mo na lang ako pagkatapos ng lahat?” umiiyak kong sambit.
“Alam kong nasasaktan ka, pero kailangan ko ito. Kalimutan mo na lang ako.”
“Paano kita magagawang kalimutan kung nakatatak ka na sa puso ko? Please, huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya.” Saad ko, nagmamakaawa ako.
“Kailangan na nating isara ang pahinang sinimulan natin. I’m sorry, but I have to go.” Winaksi nito ang kamay ko.
Huminto pa ito.
“Pero always remember, minahal kita ng totoo. Hindi ko kayang suwayin sina mommy at daddy. Masakit din para sa akin ang lahat, pero kailangan kong gawin. I’m sorry ulit!” Saad nito bago niya ako tuluyang iniwan.
Napa-upo ako sa lupa. Nasasaktan ako. Sana pala hindi ako umasa na kami talaga. Ang tanga-tanga ko.
Ang sakit, sobrang sakit. Bakit mo naman nagawa ito sa akin? Akala ko ba mahal mo ako at ipaglalaban mo ako?
Tuluyan akong umiyak hanggang sa nawalan ako ng malay at hindi ko alam ang sumunod na nangyari. Basta nagising na lang ako na nasa ibang bahay na ako.
Napa-bangon ako at sinuri kung nasaan ako, pero hindi ko mahulaan kung nasaan man ako. Dali-dali akong bumangon at bumaba. Nang makita kong walang tao, kumaripas ako ng takbo at umuwi sa amin.
After 2 days noon, nalaman kong aalis sila sa Pilipinas. Sinundan ko siya sa airport at naabutan ko siya doon kasama ang mga parents niya. Nilapitan ko siya.
Nabigla ang mga magulang niya, pero wala akong pake. Mahal ko siya, gagawin ko ang lahat para hindi niya ako iwanan.
“Arkie, huwag mo akong iwan.” Tawag ko.
Tinawag ko siya sa second name niya. Para akong tangang nakikiusap sa kanya. Nabigla siya sa paghawak ko sa braso niya.
“Yen-yen, what are you doing here? We’re done.” Bulyaw niya sa akin. Nagsimula na naman akong umiyak.
“Huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya pag nawala ka sa akin. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako iiwan ngayon, Arkie? Please, I’m begging you. Please don’t leave me.” Naiiyak kong sambit sa kanya.
“Please leave, Yen. I don’t want to see your face again.” Saad nito na lalong kina-iyak ko.
Iniwinaksi niya ang kamay ko at umalis. Sinundan siya ng mga magulang niya. Tumakbo ako pero huli na, nakapasok na sila sa airport.
“Kuya guard, parang awa niyo na po!”
“Hindi talaga puwede, ma’am. Umalis na lang po kayo dito.”
Nakiusap ako sa guard pero hindi ako pinapasok kaya wala akong nagawa kundi umalis na lang. Ilang araw ang nakalipas noon at pina-check up ako ni mama dahil iba kasi ang pakiramdam ko.
At nalaman kong buntis ako, 3 weeks na, at sigurado akong si Arkie ang ama ng dinadala ko. Akala ko hindi ako matatanggap ni mama, pero tinanggap niya ako.
END OF FLASHBACK///
“Yen-yem.” Tawag ng anak ko.
Makalipas kasi ng limang taon ay naipanganak ko naman nang maayos ang anak ko. Tinulungan ako ni mama sa pag-aalaga sa kanya.
Pinalaki ako ni mama mag-isa. May ama naman ako, pero noong nabuntis niya si mama ay iniwan niya ito.
Niloko niya, may pamilya na rin pala ito. Manloloko siya. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikilala.
Ni hindi ko nakita ang mukha niya, pero sa totoo lang gusto kong makita ang ama ko. Hindi sinasabi ni mama sa akin kung sino, pero alam ko naman na makikita ko rin siya.
Isa na pala akong ganap na doctor. Ipinagpatuloy ko kasi ang pag-aaral ko nang maipanganak ko si Dion.
Tinulungan ako ni mama, sinuportahan niya ako. Kahit sa murang edad ko ay nabuntis ako. Manloloko kasi ang lalaking iyon.
Pareho lang sila ng ama ko. Last year, nabalitaan ko na may girlfriend siya na sobrang yaman at sikat ang pangalan. Malalaman ko talaga kasi naibabalita sila.
“Mom!” Tawag sa akin ng anak ko kaya nabalik ako sa realidad.
“Oh anak, kanina ka pa ba riyan? Bakit?” tanong ko.
“Punta po tayo sa hospital. Sasama ako. I want to see Daddy Zander. I miss him na po. Pwede po ba?” tanong nito. May tinatawag siyang daddy at iyon si Zander.
Siya ang tumulong sa akin sa pagpapa-check up ko noon. Ang bait ni Zander. Minsan din binibisita niya kami dito.
“Pwede naman, anak. Duty din kasi si mommy ngayon. Sumama ka na lang sa akin, but promise me, behave ka lang, okay ba iyon sa’yo?” tanong ko dito. Ngumiti naman siya at nag-thumbs up.
“Opo.”
“Sige na, pumunta ka na sa taas at magbihis.”
Dali-dali naman itong pumunta sa kwarto namin. Pareho silang kumilos ni Arkie, or I should say, Knight Arkie Fuentes, ang manloloko kong ex-boyfriend.
Pangalan ko nga pala ay Zaiyena Santos at tinatawag akong Yen-yen ng anak ko. Si mama kasi ay Yena ang tawag sa akin. Si Zander naman ay Zai.
Ako ang pinaka maganda sa balat ng lupa, huwag kayong umarang, yan lang, baka malaman niyo talaga lahat. Chariz lang, haha.
“Ma, anong ginagawa mo? Magpapaalam din sana ako. Dadalhin ko si Dion?” panimula ko nang makita ko siya sa kusina.
“Ah, iniligpit ko lang ito, anak. Tsaka may duty ka, diba? Bakit mo dadalhin ang anak mo?” tanong ni mama.
“Gusto po kasi niya, at gusto niya rin makita si Zander. Alam mo naman, minsan lang humingi sa akin ang anak ko kaya pagbibigyan ko na po.” Ngumiti pa ako kay mama.
“Baka mapahamak pa apo ko niyan ha. Mag-iingat kayo.”
“Opo. Halika na muna, at alam kong magpapaalam si Dion sa’yo. Hindi kasi umaalis iyon pag hindi nagpapaalam sa’yo.” ani ko.
“Oh siya, sige.”
Naglakad na kami at saktong dumating na si Dion.
“Mom, do I look good? I’m handsome na ba?” tanong nito. Pinantayan ko ito.
“You’re always handsome, anak. Sige na, magpapaalam ka na sa mamala mo.”
“Ah mamala, sasama po ako kay mommy doon po sa work niya. Namimiss ko po kasi si Daddy Zander.” Ngising sambit niya sa lola niya.
“Mag-iingat kayo ha!” pagpapaalala naman ni mama.
“Opo. And pwede po ba akong humiling?”
“Sige apo, ano ’yon? Sabihin mo lang at ibibigay ni mamala sa’yo.” Hinawakan ni mama ang buhok niya at ginulo ito. Pasimpleng ngumiti naman ako.
“Hehe, pwede po ba ninyo akong lutuan nung isda na… ano ba pangalan non?” kunwari nag-iisip pa ito.
“Tinula, apo! Oo naman, syempre. Basta para sa’yo. Mag-iingat ka doon, okay? Huwag magpasaway kay mommy.”
“Opo, mamala. Salamat po.” Saad niya. Hinalikan niya si mama, pinantayan kasi siya ni mama.
“Sige ma, aalis na po kami.” Saad ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap bago umalis.
“Be safe, anak!” pahabol niya.
“Opo.”
Nang makalabas na kami ay nag-antay na ako ng taxi. Umaga naman. Nang makapara na ako ay agad na kami sumakay.
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Mr. Alvarez—siya nga talaga ang ama ko, ’yung sumampal din sa akin. Kung alam na niya pala na anak niya ako, bakit pa niya ako sinaktan?May kapatid ako—’yung mataray na ’yon, at ang pangit ng ugali. Nge, wala akong kapatid na masama ang ugali ah. Baka mana sa nanay niya ata.“Huy, Zai, kanina ka pa nakatingin kay Mr. Alvarez. Anything wrong ba?” saad ni Zander. Napabuntong-hininga ako.“Iniisip ko kasi ’yung sinabi ni Mama. Totoo ba talaga na ama ko siya?” naguguluhang saad ko.“Oo naman, Zai. Kitang-kita mo sa pinakitang larawan ni Tita, ’di ba? Hindi naman magsisinungaling si Tita sa ’yo. Tsaka seryoso siyang nagsabi noon,” ani nito. Napa-tango na lang ako.Hindi naman magsisinungaling si Mama sa akin kung alam niyang ikakasakit ko. Ama ko talaga ang lalaking ’to.“I saw Knight a couple of minutes ago,” usal niya. Napatingin ako dito.“Pake-alam ko sa kanya. Tsaka huwag mo muna siyang banggitin sa akin—naiinis lang kasi ako,” inis kong sabi.“Ma-hi-hig
ZAIYENA SANTOS POV.....Nakarating kami sa sinasabing resort mga 6 PM na. Malayo kasi ito sa amin. Pinagbuksan na kami ni Zander ng pinto, kaya lumabas na lang kami.Nakita ko ang lugar—napakaganda. May pangalan pang ALVAREZ BEACH RESORT. Tsk, cheap. Buti na lang hindi ko dinala ang last name ng ama ko.Inaya na kami ni Zander na pumasok sa loob, kaya hinawakan ko rin ang kabilang kamay ni Dion. Nasa kanan kasi si Zander. Parang totoong pamilya na talaga kami.Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na ang anak ni Mr. Alvarez. Naiinis itong tumingin sa akin. Problema na naman nito? Weird niya.Inihatid kami ni Zander sa magiging kwarto namin. Dito—ang ganda nga eh, kasya-kasya lang kaming dalawa ni Dion. Okay na ’to.“Zai, andoon lang ako sa tapat ng room n’yo. Puntahan mo na lang ako pag may kailangan ka. Tsaka sabi ni Doc Reyes, may laman na raw ’yung ref n’yo—lahat ng kailangan n’yo, andiyan na,” ani ni Zander kaya ngumiti ako.“Sige, salamat sa paghatid sa amin dito. Punta ka rin mamaya,
DAYANA SANTOS POV(MOTHER OF ZAIYENA)--"Ali, magkano po ito?" tanong sa akin ng isang dalaga, tinuturo ang chocolate cake."Ay, tag-275 lang iyan, hija. 'Yan na lang ang natira," ani ko dito."Kukunin ko na po ito. Ito po!" nakangiting sambit nito. Binalot ko na ito at inilagay sa lalagyan ng cake."Oh, ito. Balik ka ulit ha.""Sige po, magpapaalam na po ako," ani nito. Ngumiti na lang ako, ang gandang bata.Nasa bakery ako ngayon, nagtyatyagang magtinda at mag-bake. Dati kasi maliit lang itong negosyo ko at ito ang bumuhay sa anak ko at napag-aral ko siya. At ngayon, ganap na doctor na siya. Sabay naming pinalago itong negosyo namin hanggang sa nakatayo kami ng shop. Ang bilis lang ng pangyayari."Mama!" sigaw ni Zaiyena, kasama niya si Zander."Oh, Yena, andito ka na pala!" sinalubong ko ito ng yakap."Mamala." Bumaba ito mula sa pagkakarga ni Zander. Pinantayan ko ito at niyakap."Oh, apo, nag-enjoy ka ba doon?""Opo, Mamala! Daddy Zan brought me this toy. Isn't it beautiful, Mam
“Daddy Zan!” sigaw ng anak ko kay Zander. Napatingin si Zander sa amin at sinalubong niya ito ng yakap.“Oh, napasama ka ata sa mommy mo dito?” tanong nito sabay tingin sa akin.“Ah, Daddy Zan, na-miss po kita kaya gusto kitang bisitahin hehe. Ayaw mo ba andito ako?” nakanguso nitong sabi at kunwari nagtatampo.“Nah, Dion! Miss ka rin ni Daddy Zan.”“Hehe.” saad ng anak ko. Lumapit ako sa kanila.“Zander, kamusta na pala ’yung pasyenteng inaasikaso ko? Napadalaw ka ba doon?” tanong ko.“Okay naman siya. Kanina nga may dinalang pasyente dito,” saad naman nito.“Huh? Na-ano daw?” tanong ko.“Ewan, si Doc Santiez ang nag-asikaso eh. Tara, sa cafeteria tayo.”“Can you buy me a burger, Daddy Zan?” saad ng anak ko. Tinakpan ko naman ang bibig nito, nakakahiya.“Sure naman, Dion.”“Huwag na, Zan. Nakakahiya naman kasi eh, huwag na,” singit ko.“No, Zai. Ayos lang, basta para naman sa inyo, lalo na sa anak mo. Mahal ko kaya ’to,” nakangising sambit niya.“Naku! Diba may duty pa ako? Pwede ba






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.