"Kakain na sana ako ng tanghalia–""What? Hindi ka pa kumakain ng tanghalian? Little Miss naman, di ba sabi ko sa'yo na wag mong pababayaan ang sarili mo? Magbihis ka bago ka pumunta sa akin or kahit hindi na, kakain tayo sa labas, may nakita ako na kainan at baka magustuhan mo doon," utos niya sa akin. Napahinto ako sa ulam na isang buong maliit na Tuyo at halos mga ulo na lang ang naiwan sa plato at isang longganisa. Ito na lang sana ang kakainin ko ngayong tanghalian pero dahil sa sinabi ni Carlos ay natakam tuloy ako kung ano ang oorderin niya para sa akin."Magbibihis lang ako saglit, naka short lang ako at mahabang t-shirt, ok lang ba ito?" tanong ko. Pero feeling ko mabaho na ito ngayon dahil sa pawis o nadumihan ng kaunti kanina dahil sa paglalaba at paglilinis kaninang umaga."Short? No way, magbihis ka, yung pantalon mismo ha? O di kaya t-shirt ko na lang suotin mo dahil mahaba ito, meron ako dito sa sasakyan," saad niya kaya napairap na lang ako."Ano naman kung naka short
Mehr lesen