CLOVETT SALMIGAN POV:"Saan ka naman nagseselos little miss?" malambing niyang sabi, wala na yung kanina na anytime pwede niya akong sigawan dahil lang sa nagseselos siya eh pareho lang naman pala kami. Pero sa kanya sobrang halata. "Maang-maangan ka pa, sino yung babae na kasama mo kanina? May paakbay ka pang nalalaman, naiinis ako sa'yo!" Singhal ko sa kanya.Hinalikan niya ako sa noo na ikabigla ko pa, kamuntikan pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na akala mo naman isang tao na kaming hindi nagkikita ."May asawa na yun, pinsan ko yun sa side ng mama ko kaya 'wag ka ng magtampo please. Hindi na rin ako magtatampo, sorry kanina. Please, forgive me, my little miss. Nandito rin siya sa kasal kasi magkakilala ang mommy ng ikakasal at ang lola ko kaya kilala rin ang pinsan ko dahil magkanegosyo rin sa ibang business. " pagsusumamo niya."Talaga lang ha!" panigurado ko."Yes kahit kausapin pa nating dalawa ang pinsan ko kasama ang mga magulang namin para
Mehr lesen