CARLOS JASPER JR POV: "AHHHHH!!!!!" "Pre, huminahon ka!" Bigla kong nilingon ang kaibigan. "Huminahon? Pare! Narinig mo ba yon? Narinig mo ba!? Ako at ang mahal ko pare, iisa ang ama! Alam mo ba yung pakiramdam na maririnig mo yun sa maraming tao na… na… pinakasalan ko ang kadugo ko, kadugo ko pareng Vincent!" sinipa ko ang bakanteng balde na naroon sa garden namin. Umalis ako, iniwan ko ang mahal ko. Nasasaktan ako, hindi ko matanggap kung ano man ang narinig ko sa sinabi ng mama niya. "Sa dami-daming tao, bakit siya pa? Ahhh.. shit. Damn it." "Bakit hindi tayo bumalik doon at magtanong ulit, baka alam ng mommy at lalo na ang daddy mo kung bakit o paano nangyari? " bumaling ako kay Vincent dahil sa sinabi niya. "Paano kung tama? Paano ko haharapin yun, pre? Kasal na kami at sobrang mahal ko siya pare, sobra-sobra. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, pero paano kung nasusuka ang mahal ko ngayong nalaman niya na magkapatid kami, hindi lang kami kasal lang pare, we're
Mehr lesen