BIANCA’S POV Tuluyan nang natapos ang charity gala.Isa-isa nang nagsialis ang mga bisita, at ang dating maingay na ballroom ay unti-unting nauubusan ng tao.Matapos magpaalam sa mga organizers at ilang business associates, magkasabay kaming lumabas ni Sebastian ng venue. Sinalubong kami ng malamig na hangin paglabas namin.Sa labas, naghihintay na ang aming sasakyan. Agad na umayos ng tayo ang driver nang makita kami, bago hinawakan ang hawakan ng pinto saka binuksan bago magalang na yumuko.Marahang hinawakan ni Sebastian ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kanyang palad habang inaalalayan niya akong makapasok sa loob ng sasakyan upang hindi sumabit ang mahaba at pulang eleganteng gown ko, bago siya mabilis na sumunod sa loob.Pagkapasok niya, agad niyang hinawakan ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. Bumaling naman siya ng tingin sa akin.“You’re tired,” masuyo niyang sabi.Bahagya akong ngumiti, isinasandal ang aking ulo sa malambot na sandalan ng upuan.“A little,” sa
Ler mais