Bianca’s Point of ViewPagkatapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon, marahan siyang umatras.Ngunit nanatili ang tingin niya sa akin.Mabigat.Mainit.At parang may ibig sabihin.Samantalang ako…Pakiramdam ko ay lalo akong hindi makahinga sa bawat segundong nasa harap ko siya.Dang.Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?Hindi ko na hinintay pang may sabihin siya ulit. Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa pinto ng penthouse.Pero kahit nakatalikod ako, ramdam ko pa rin ang titig niya sa likod ko.Dire-diretso lang akong naglakad.Pagpasok ko sa elevator, doon lang ako nakahinga nang maayos.Napahawak ako sa dibdib ko.“Calm down, Bianca…” mahinang bulong ko sa sarili.Pero paano ako kakalma?Kasal ako sa lalaking iyon.At sa tuwing tinititigan niya ako o may sinasabi siya, parang may kung anong gumugulo sa sistema ko.Napailing ako.Hindi ito ang oras para isipin si Sebastian.Ang dapat kong isipin ngayon ay si Adrian.Ding.Bumukas ang elevator.Paglabas ko sa lobby
Read more