BIANCA'S POVUmupo ako sa gilid ng kama, nakaharap sa maliit na lamesang inihanda ni Sebastian, kung saan nakalatag ang umuusok at mabangong nilagang buto-buto.Habang kumakain kami, masuyo niya akong inasikaso. Siya mismo ang naglagay ng kaunting sabaw sa aking plato, nilagyan iyon ng sapat na karne, mais, at mga gulay, saka nilagyan ng four seasons juice ang aking baso.Hindi ko siya kinontra sa kanyang ginagawa. Taimtim ko lamang siyang pinagmasdan hanggang sa nagsimula na kaming kumain. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.Ang tanging maririnig sa loob ng master bedroom ay ang marahang pagtama ng aming mga kubyertos sa plato.Habang humihigop ako ng mainit na sabaw, unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam. Infernes, ang sarap ng nilagang buto-buto na niluto ni Sebastian. Hindi ko akalaing pati ang ganitong klase ng luto ay alam niyang gawin.Habang kumakain kami, paminsan-minsan ay palihim ko siyang sinusulyapan.Taimtim lamang siyang kumakain, ngunit sa bawat sandaling mapapans
Read more