Mabilis na nakasanayan at nakapag-adjust si Kate sa kanyang bagong buhay sa Europa. Malapit sa isang magandang park ang bahay ng kanyang Tita Cathy. Napakaganda ng kapaligiran, sariwa ang hangin, at may malaking bakuran sa harap at likod bagay na bagay para sa kanyang lola.Simple lang din ang pamilya sa bahay ni Tita Cathy.. Si Tita Cathy, si Mattheus, at ilang mga katulong.. Bago pa man sila dumating, naipaghanda na nang maayos ang mga kwarto para kay Kate at sa kanyang lola. Ang kwarto ng lola ay nasa unang palapag, may malaking glass window na nakaharap mismo sa hardin. Ang kay Kate naman ay nasa ikalawang palapag. May malawak itong balcony na may mesang pangkape, mga sariwang bulaklak, at may swing pa. Napakadalisay at aesthetic ng pagkakaayos ng kwarto, perfectly suited sa kanyang panlasa.nMasayang-masaya si Tita Cathy habang inilibot siya sa buong bahay. "I’ve always wanted a daughter, but sadly I couldn't have one. Now, I finally have you!"Sa totoo lang, hindi naman gaano
Magbasa pa