-Ava-“Hindi naman, pero gusto ko sana munang kumain, Marcus,” sagot ko. Kahapon pa ng umaga kami walang kain ni Daniel, at pakiramdam ko ay nanghihina na ang buong katawan ko sa sobrang gutom.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Marcus.“Oh, I'm sorry. Hindi ko man lang naisip na kahapon pa pala kayo walang kain ni Daniel.” May bakas ng guilt sa kanyang mukha habang inalalayan niya akong pumasok sa loob ng elevator.Napansin ko ring sumunod sa amin sina Daniel at Ada, at tahimik na tumayo sa likuran namin“Dadalhan na lang kita ng pagkain sa room mo,” sabi ulit ni Marcus. “Take a rest first.”“Okay. Salamat ulit, Marcus. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung wala ka.” Ngumiti ako at ikinawit ang braso sa kanya bago ko ipinatong ang ulo sa kanyang balikat.Marahan niyang tinapik-tapik ang ulo ko, na para bang sinusubukan niya akong pakalmahin matapos ang lahat ng nangyari.Napapikit ako sandali. Ngunit nang muli kong imulat ang aking mga mata, napatingin ako sa salaming dingding sa h
Read more