-Ava-Dahil hindi ko na madadala ang katawan ng inay sa probinsya dahil nakaplano na ako na hindi na muna uuwi, agad ko itong pina-cremate. May natitira pa naman akong pera kaya madali na lang ang lahat ng mga proseso. Binayaran ko na rin ang natitira pang bill ng inay sa hospital at itinago ko lahat ng resibo.Habang isinasagawa ang cremation, bumalik ako sa ward, at sandali akong natigilan nang masilayan ang bakanteng kama ng inay.Dati-rati, kapag papasok ako dito, agad kong makikita ang mukha niya na sinasalubong ako ng matamis na ngiti. Pero ngayon, wala na. Wala na siya, at kahit kailan hindi ko na ulit makikita ang pagngiti niya sa akin.Tahimik akong pinapanood ng mga tao sa paligid ko, pero hindi ko sila binigyang-pansin. Si Ingrid ay nasa tabi ni Aling Mercy at nakasunod din ang kanilang mga mata sa akin.Dahan-dahan akong naupo sa kama ng inay, at hinaplos-haplos ang kanyang unan bago ko ito dinampot at isinubsob ang aking mukha dito. Niyakap ko ito ng mahigpit dahil naiwan
Huling Na-update : 2026-05-11 Magbasa pa