-James-“Feeling better now?” tanong ko kay Chantal nang tuluyan na siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. “Nakatulong ba ang pag-iyak mo, o do you want to cry some more?”Hindi siya sumagot. Sa halip, muli siyang sumubsob sa dibdib ko at nagpatuloy sa pag-iyak na para bang wala nang bukas.Napahinga na lamang ako nang malalim bago siya muling niyakap. This time, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya, hoping that somehow, she would feel safe in my arms.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para gumaan ang loob niya. Hindi rin naman ako sanay na makitang umiiyak ang isang babaeng tulad niya. Sa lahat ng pagkakataong nakasama ko si Chantal, palagi ko siyang nakikitang matapang, palaban, at tila walang kinatatakutan.But tonight, I saw a completely different side of her.Sa halip na ang mataray at palasagot na Chantal na kilala ko, isang babaeng sugatan ang damdamin ang nasa harapan ko. Isang babaeng pilit na itinatago ang sakit sa likod ng kanyang matapang na personalida
Read More