Lalong lumakas ang ingay patungkol sa balita kay Aeris.Kahit si Klentina na kumalma na kanina ay hindi mapigilang mabalisa ulit. Panay ang pagsulyap niya kay Aeris na parang wala lang. Kumain ito, uminom, at kampanteng naupo pa sa tabi ng bintana para magbasa ng libro, na tila walang anumang nangyayari.Sa kabilang dako naman, walang tigil ang pagtawag ng mga Jurial. Walang sinagot si Aeris na kahit isang tawag. Sa huli, dahil sa inis ay i-binlock niya ang lahat ng kanilang numero dahil naiingayan na siya, maliban sa isa.Nagpadala rin ng mensahe si Max, tinatanong kung kailangan niya ng tulong. Magalang naman na tumanggi siya. Sinabi niya rito na kaya niya itong ayusin mag-isa. Pagkatapos niyon, hindi na namilit si Max, pinaalalahanan lang siya nito na kontakin siya o si Sandoval kung may kailangan siya, bilang pagrespeto sa kanyang desisyon.Nang sulyapan ang oras, tumingin si Aeris kay Klentina. "Klentina, tara sa studio.""Anong gagawin naman natin doon?" tanong ni Klentina, pero
Read more