Nanatili si Aeris hanggang sa nakainom na ng gamot ang ina, nakahiga at nakatulog. Doon pa lang niya dahan-dahang isinara ang pinto.Pagbalik sa sariling kwarto, tinawagan ni Aeris ang attending physician ng ina. Hindi nagtagal, ipinadala ng doktor ang medical records nito.Nang makita ni Aeris ang mga diagnosis, malalang bipolar disorder at chronic insomnia ay parang piniga ang kanyang dibdib.Sa loob ng tatlong taon, hindi niya alam na may sakit ang kanyang ina. At hindi lang basta sakit, malubhang sakit ito. Sa kanyang alaala, naging mailap ang ina, simula ng lumipat ang kanyang ama sa sanatoryo. Bigla na lang itong nagagalit ng walang dahilan, nagbabasag ng gamit, nagsasalita ng masakit at walang tigil sa pagpilit sa kanya na manatili kay Lucas.Dahil mismo rito, dahil sa paulit-ulit na pagpipilit ng Ina na umasa siya kay Lucas, nakaramdam ng hinanakit si Aeris at madalang na siyang umuwi.Ngayon, biglang naging malinaw ang lahat. Marahil, ito ang paraan ng Ina para itago ang kany
Read more