Maingat na pinagmasdan ni Max ang kanyang ekspresyon. Nang mapagtanto niyang hindi lang basta nagpapaka-polite si Aeris, palihim siyang nakahinga ng maluwag. “Mabuti naman. Nag-alala ako na baka nakadagdag pa ako sa iniisip mo.”“Hindi, hindi—paano mo naman nasabi iyan?” mabilis na iwinagayway ang mga kamay ni Aeris, upang mapanatag ang loob ni Max.Marahil dahil sa paraan ng kanyang pagkataranta, isang tipid na ngiti ang sumilay sa dati ay seryosong mukha ni Max. Dahil doon, natigilan si Aeris. Sa kanyang alaala, laging malamig at mailap si Max, seryoso ang mukha at tila laging malayo ang loob. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na nakita niya itong ngumiti.Nang mapansin ang kanyang pagkatulala, ay agad nagtanong si Max, “Anong problema?”Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?Nang hindi nag-iisip, biglang naibulalas ni Aeris, “Ang gwapo mo palang tingnan kapag nakangiti. Bakit ba laging seryoso ang mukha mo? Para kang isang striktong dean of students—hindi ka tuloy malapitan. Dapat a
Read more