Unti-unting natahimik ang buong conference room.Kanina lamang ay puno iyon ng bulungan, pagtatanggol, at pilit na pag-unawa kay Gabriel ngunit ngayon, matapos lumabas ang lahat ng katotohanan ay tila isa-isang nawalan ng lakas ang mga taong gumawa pa ng dahilan para sa kanya.Wala nang nagsasalita.Wala nang may kayang magsabi na tama pa ang ginagawa niya.Ang tensyon sa loob ng silid ay parang manipis na sinulid na anumang oras ay maaaring maputol.Sa gitna ng katahimikan ay dahan-dahang itinaas ni Lianne ang kanyang tingin.Malamig.Walang emosyon.At iyon ang mas nakakatakot.“If you still want to believe Elaine’s nonsense, then go ahead,” malamig niyang sabi. “I won’t stop you. That’s your choice, and I honestly don’t care anymore.”Bahagya siyang huminto.Pagkatapos ay dahan-dahang lumingon kina Gabriel at Elaine.Ang tingin niya ay parang matalim na salamin, diretsong tumatagos.“But this game…” mariin niyang dagdag, “…is the result of everyone’s hard work. I won’t allow anyone
더 보기