Humugot nang malalim na buntong-hininga si Lianne habang nakatitig sa sunod-sunod na notifications na halos walang tigil sa pag-ilaw sa screen ng kaniyang cellphone.Madilim ang buong silid maliban sa malamlam na ilaw mula sa bedside lamp na nakadagdag lamang sa pagbigat ng kaniyang pakiramdam. Nakapatong ang laptop sa kaniyang hita habang bukas pa rin ang group chat ng studio, isang chatroom na ilang buwan nilang pinaghirapan, binuo, at pinangarap na maging tahanan ng lahat ng taong naniwala sa proyekto nila.Pero ngayong gabi ay tila isa iyong digmaang handang sumabog anumang oras.Hindi naman niya masisisi ang mga tao.Sunod-sunod ang reklamo. May ilan pang halos hindi maitago ang galit.“Seriously? Siya pa talaga?”“So ganito na lang? Kahit walang ambag?”“After everything we worked for?”Mariing napapikit si Lianne.Pakiramdam niya ay unti-unting sumisikip ang kaniyang dibdib habang binabasa ang bawat mensahe. Hindi dahil hindi niya kayang kontrolin ang sitwasyon, kundi dahil ala
อ่านเพิ่มเติม