Mabigat ang katahimikang bumabalot sa pribadong silid. Tanging mahihinang tunog lamang ng kubyertos at mahinang tugtog mula sa labas ng restaurant ang maririnig, ngunit sa pagitan nina Lianne, Gabriel at Elaine ay tila may unos na nagbabadyang sumabog anumang oras. Hindi inalis ni Gabriel ang tingin kay Lianne. Diretso. Matigas. Walang pag-aatubili. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang nararamdaman ni Lianne ang hapdi ng kahihiyang ipinaparanas nito sa kaniya. Kung tatanggi siya sa hinihingi nito ay hindi mailulunsad ang laro. Mawawalan ng saysay ang halos ilang buwang pagpupuyat ng buong studio, ang mga gabing walang tulog, ang mga pagod na matang nakatutok sa computer screens, ang mga pangarap nilang unti-unting binuo mula sa wala. Ngunit kung papayag siya para niyang tinapakan ang sarili niyang dignidad. Pinilit niyang manatiling kalmado ngunit sa ilalim ng mesa ay mariing nakakuyom ang kaniyang mga kamay. Halos bumaon ang mga kuko niya sa sariling palad. Nap
อ่านเพิ่มเติม