Tahimik ang loob ng opisina ngunit sa katahimikang iyon ay tila may bumabagabag na bagyo sa isipan ni Lianne.Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang nakayuko habang pinakikinggan ang ulat ng kanyang assistant. Ang bawat salitang binibitawan nito ay parang mabibigat na patak ng ulan, paunti-unti ngunit sapat upang tuluyang bumuhos ang problema.“Ma’am, the pressure from the Santos side is getting stronger. Some partners are already hesitating but the studio is still stable, for now.” “For now…” mahina niyang inulit na halos hindi na marinig.Ang game studio na pinaghirapan nilang itayo ni Gabriel ang huling hibla na nagdurugtong sa kanila ngunit sa puntong ito ay alam niyang hindi na iyon magtatagal.She slowly leaned back, closing her eyes for a brief second. It’s only a matter of time…Matagal na niyang pinag-isipan ito. Hindi siya impulsive na tao lalo na pagdating sa negosyo. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lang negosyo ang nakataya, pati puso niya.“Alright,” she
Leer más