Tama lang na putulin na niya ang ugnayan nang mabilis. Mula ngayon, kahit pa magkagulo o magkasakitan silang dalawa, wala na itong anumang kinalaman sa kaniya. "Aba, magpasalamat? Mas mabuting magpasalamat ka kay Sebastian. Kahit mag-divorce kayo, siguradong triple ang itataas ng halaga mo at hindi ka na mamomoblema sa pera o pagkain sa buong buhay mo. Sobrang laking swerte mo na nga sa kasal na 'to, 'no." Dahil nakita niyang may kasama itong abogado, iniisip agad ni Kristine na gumagawa lang si Celestine ng paraan kung paano makakakuha ng pinakamalaking parte sa paghahati ng ari-arian. "Ikaw!" Sa tindi ng inis ni Kristine ay tila ba nabilaukan siya sa kaniyang sariling laway at akma na sanang lalaban pabalik, nang mabilis siyang hinila ng kaniyang kaibigan sa tabi, "Hayaan mo na 'yan, tara na kumain. Naghihintay na ang lahat sa atin." "Hmph!" Pinilit ni Kristine na pigilin ang kaniyang galit, nagpakawala ng isang malamig na singhal, at galit na umalis kasama ang kaibigan. Hi
Read more