Nagulat siya at mabilis na ibinaba ang kaniyang mga kamay, pinatay ang screen, at itinaas-pabalikad na itinakip ang kaniyang telepono sa mesa."Wala 'to, medyo inaantok lang..." dahilan ni Celestine habang pilit na pinatutuwid ang kaniyang sarili at tumitig muli sa computer screen.Payo ni Sebastian sa mababang boses, "Kung pagod ka na, magpahinga ka na. Masyado nang gabi.""Sige, tatapusin ko lang i-revise 'tong kabanata. Kung pagod ka na, mauna ka nang matulog." Hindi siya naglakas-loob na tumingin sa lalaki, nakatitig lang sa kaniyang laptop habang nakikipag-usap dito.Napa-ngiting aso si Sebastian, sa isip niya ay pilit lang nitong pinapahaba ang pag-o-overtime para lang iwasan siya, sa pag-asang makakatulog muna siya bago ito pumasok sa kwarto.Nang walang sinasabi pang iba, naglakad siya patungo sa kusina para magbuhos ng tubig, tsaka binuksan ang ref at naghalungkat doon.Narinig ni Celestine ang ingay pero hindi siya lumingon para tumingin.Magulo pa rin ang kaniyang isip; aya
Leer más