Para makabawi sa mga naging pagkakamali niya, naging sobrang episyente ni Kenji. Bago pa man magtanghali, dumating siya sa ospital bitbit ang buong detalye ng kaso at agad na nag-report sa kanyang boss. Alam ni Sebastian na paparating ito, kaya inabisuhan niya itong sa WeChat na lang mag-report. Sa takot na magising ang mag-ina na mahimbing pang natutulog, naka-silent ang phone niya at nanatiling bukas ang screen sa WeChat. Nang makita ang mensahe ni Kenji, kinuha niya ang kanyang phone at tumayo, maingat na binuksan ang p***o, at tahimik na lumabas. Pagkarating niya sa bintana ng pasilyo na medyo malayo sa ward, huminto siya at lumingon, "Nalinaw niyo na ba ang lahat?" "Malinaw na po." Binuksan ni Kenji ang file bag, kinuha ang mga impormasyon sa loob, at iniabot ang mga ito. "Naging pabaya po ako n'yong araw na 'yon. Pagkakita ko pong pumasok si Ma'am Celestine sa lobby ng hotel, umalis na po ako. Akala ko po nag-check in na siya, pero sa ground floor lang po pala siya kumain, at
Read more