Chapter 133Napatingin si Ophelia sa mahabang kalsada."Buntis ka pa naman. Ganito na lang, ako na ang magda-drive sa iyo papuntang city," mungkahi ni Dr. Bautista. "Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko lang ang mga gamit mo."Dahil sa sobrang pagmamadali, pera lang ang nadala ni Ophelia. Wala na siyang rason para tumanggi sa alok ng doktor. "Sige po, salamat. Pasensya na sa abala, Dr. Bautista."Pagdating sa city, nagpahatid agad si Ophelia sa lumang mansion ng mga Villacorta. Hindi mapigilan ni Dr. Bautista ang mag-alala nang makitang babalik ang dalaga sa pugad ng mga lobo."Ophelia, sigurado ka ba rito? Gusto mo bang samahan kita sa loob?" tanong ni Dr. Bautista. "Nakaalis ka na sa mga Villacorta, baka mamaya ay hindi ka na naman nila palabasin.""Huwag po kayong mag-alala, hindi nila ako sasaktan," paninigurado ni Ophelia. Kampante siya dahil alam niyang mahalaga sa kanila ang batang dinadala niya. "Kailangan ko lang talagang malaman ang totoo, at dito ko lang iyon mahahanap."
Última atualização : 2026-05-18 Ler mais