Cielo's POV Pagkatapos ng may nangyari sa amin ni Oliver sa unang pagkakataon. Isang linggo na rin na hindi niya tinangka na gawin ulit iyon. Napansin kong katabi ko na rin siya matulog sa kama. Dahil dati kapag gigising ako. Hindi ko siya nakikita pero ngayon lagi ko ng nakikita ito na tulog na tulog na nasa tabi ko. Minsan nga, nagigising ako na nakaunan na sa matitipunong bisig nito. Kahit ang laki laki na ng epekto nito sa akin. Subalit iniisip ko nalang na parte ito ng pagpapanggap ko. "Hi, Ms. Ciela good morning po" Bati ng mga katulong sa akin. Kasalukayang naglalakad lakad ako ngayon dito sa malaking garden ng mansion. Napakalawak ng garden na ito. Halatang halata na napapanatili ang paglilinis dito araw araw. "Hello, good morning din" Sabi ko. Ngumiti ako at kumaway rin sa mga ito. Simula ng nginingitian ko na sila. Napapansin ko hindi na katulad ng dati ang mga katulong dito. Magaan na ang loob nila sa akin. Alam kong malapit ko ng makuha ang loob ng mga ito. Sila a
Last Updated : 2026-05-03 Read more