Cielo's POV "O-oliver??" Mahinang saad ko. Ang gwapong mukha nito agad ang unang bumungad sa akin paggising ko. Mahimbing na mahimbing na natutulog ito sa gilid ko habang hawak hawak ng mahigpit ang kanang kamay ko. Nararamdaman kong parang namanhid na ito kaya dahan dahan na aalis ko sana ito mula sa kamay niya pero nagulat ako ng gumalaw ito. "Ho-honey?? Gising kana, anong masakit sayo? May nararamdaman ka paba?? Fuck I'm so scared of losing you last night!" Sunod sunod na wika nito habang nag-alala ang tono. Sobrang lapit ng mukha nito habang nagsasalita sa harap ko. Napatulala ako at hindi agad nakahuma. "N-no, I'm okay now" Umiling iling ako at inilibot sa buong paligid ang mga mata ko. Ngayon ko napagtanto ang nangyaring allergy dahil sa kinain kong chicken. "Your allergies are gone now, mamaya uuwi na tayo" Tumayo ito at inayos niya ang nakalukot niyang pulo. Kung anong suot nito kagabi, ito pa rin ang suot nito ngayon. Hinintay ko siyang magtanong tungkol sa allergy ko
Last Updated : 2026-05-09 Read more