Cielo's POV "Manong sigurado po kayo sa address na ito??" Tanong ko kay manong Rico ng makitang huminto kami sa isang malaking building. Sa nakikita ko parang hotel ito ng isang resort dahil may malapit ito sa dagat. "Opo ma'am, sabi ng tauhan natin kumpirmado po daw na andito siya ngayon" Kinakabahan na tumango tango ako. Unang bumaba si manong Rico at pinagbuksan ako. Nang makababa ako, isang napakamalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Ciela, makikita na rin kita" Sabi ng utak ko. May parte naman sa akin na masayang makita ito. Subalit masama mang isipin pero nakakakaramdam ako ng lungkot ngayon. Kapag nakita ko na ito. Ang gabing iyon ang magsisilbing huling beses na pagkikita namin ni Oliver. Ito pala ang dahilan bakit bumigay ako ng todo sa kanya gabi. "Ms. Cielo tara na po" Untag na sabi ni manong Rico. Napatigil ako napatango tango dito. Habang papasok kami pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Ms ,ak
Read more