Hindi pa rin ako lubusang nakakapag-isip kung anong hakbang nga ba ang dapat kong gawin, maging ang pizza na nasa mesa na nagsisilbing comfort food ko ay hindi man lang ako matulungang mapakalma.“Kinginang buhay 'to!” wala sa ulirat kong litanya buhat sa sobrang gulo nitong aking isip, ni hindi ko maramdaman ang lambot nitong sopa kung saan ako nakaupo ngayon.“Tsk, bakit pa ba 'yan umuuwi rito?” taas-kilay na pagpaparinig sa akin ni ate Zoey, sanay naman na ako sa mga salita nila ngunit bakit ang sakit-sakit pa ring marinig?!“Dad... Ate..” I called but they didn't even looked at me like I was invisible here. “I'm so proud of you, Zoey. You're worthy of our name, keep it up, anak” sobrang lawak ng ngiti ni daddy habang sinasabi niya ang bagay na iyon kay ate. “Anak? I'm so proud of you” I repeated in my mind, ang sarap pakinggan, sana ako rin, sana kasing-galing ko rin si ate Zoey para anak din ako ni daddy, para hindi niya ako kinakahiya sa mga tao.“Dad!” tinawag ko siyang muli
Terakhir Diperbarui : 2026-03-23 Baca selengkapnya