Pagkatapos kong mabasa ang maladoktor niyang sulat ay dali-dali na nga akong tumayo upang pulutin sa sahig ang mga damit kong nagkalat. Nakakabadtrip! Kung pwede lamang sana na tapusin na agad ang taong ito ngayon ngunit hindi maaari 'pagkat kailangan ko pang malaman ang mga lihim at pagkakakilanlan na mayroon siya.
Hindi pa ako natatapos sa pagbibihis nang bigla na lamang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Kyle na dala-dala ang isang paper bag na puno ng mga pinamili niyang pagkain, at damit.
“Lumabas ka!” I yelled at him.
Tumawa siya nang mahina, at inilapag muna sa sahig ang mga pinamili niya.
“Tell me if you're done” saad niya kasabay ng pagsasarang muli sa pintuan ng kwarto.
Kyle's got a manly vibe, he's handsome with that masculine body, perfect pink lips, and ocean blue eyes. His dark messy hair fits him perfectly. Sa sobrang gwapo niya, nakakapanghinayang siyang patayin.
“Are you done, Naginata?” sigaw niya mula sa labas, hindi ako umiimik bagama't tapos naman na akong magbihis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, makikipag-close ba ako sa kanya o magpaplano muna dahil baka siya pa ang unang makatuklas ng tunay kong katauhan.
“Hey girlfriend” he called again.
“Tse” supladang turan ko na siyang ikinatawa niya ng mahina. Binuksan niya na ang pinto kahit wala pa naman akong sinasabing pumasok siya, I really hate seeing his attractive face—parang mahuhulog ako ng wala sa oras.
“Stop it, blood lady” I convinced myself.
Bumuntong hininga ako, inoobserbahan ko lamang si Kyle habang abala ito sa paglalapag sa mesa ng inorder niyang mcdo para sa aming dalawa.
“Uhm Kyle” I called him, softly.
“It's baby, love or hubby” malambing niyang tugon na siyang ikinatawa ko dahil ang kapal niya. Kakakilala palang namin kagabi tapos may call sign na agad nang wala pang label.
“For your information, hindi po kita boyfriend ha” supladang litanya ko.
“Pfft. You're already mine, I already marked you last night” pagkasabi niya ng bagay na iyon ay tumingin siya sa kabuuan ng katawan ko, sobrang dami kong pulang marka na ginawa niya kagabi habang nahihimbing ako.
Nahampas ko siya sa braso, “Lasing ako kagabi, t4rantado ka”
“Pinapaasikaso ko na ang mga papers para sa kasal natin” he said that makes my jaw drop in shocked.
“K-kasal? Ha?”
He smirked at me, humakbang siya ng isa papalapit sa akin na naging dahilan upang mapaatras ako. Before I could take another step back, he already grabbed me by the waist. He leaned in closer, I felt his breath on my neck that sent shivers down my spine.
“Since the first time I saw you last night, I knew I'm obsessed with you. I already love you, and I'm not letting you go. I'll find you, I won't stop until you'll be mine, only mine” He whispered to my ear.
Nangilabot ako sa mga sinabi niya, ganito ba talaga kapag mafia boss—shít!
“Bitiwan mo nga ako” kunot-noong sambit ko dahilan upang tanggalin niya na ang mahigpit na pagkakahawak sa aking baywang.
Nakaisip na ako ng plano pero hindi sa ganitong paraan na magiging asawa ko ang isang mafia boss na target kong kitilín ang buhay, at intensyon niya ring tapusin kaming mga assassins. “Let's eat” he said, coldly.
Umiling-iling ako kasabay ng pagtungo ko sa pintuan para pihitin ang doorknob.
“Wait, where are you going?” He stopped me, nakapalipit sa maliit kong baywang ang naglalakihan niyang braso, para siyang tuko kung makadikit sa akin.
“Bakit parang ang lambot naman yata ng isang ito para maging mafia boss” I murmured to my mind, natawa ako ng bahagya sa isip noong lingunin ko siya at nakitang paiyak na.
“Just please, stay here for a while and tell me anything about you, I want to know you more, Naginata” mahina nitong sabi.
I rolled my eyes, “aalis na ako”
“Ihahatid na kita, sabay na tayong bumalik ng Manila” he offered, napangiti naman ako dahil wala naman talaga akong dalang pera upang makaalis sa probinsiyang ito, baka maging palaboy pa ako dahil sa kagagawan niya.
“Dapat lang talaga, you are the one who told Irene that I already back in manila because of emergency kahit wala naman” iritang sambit ko rito.
“Emergency naman na paika-ika kang maglakad ngayon ah?” pilosopong sagot nito na siyang nagpakunot sa noo ko.
“Let's eat first, mamaya na tayo umalis. Ayaw kong nagugutom ang mag-ina ko” napaubo ako sa sinabi niya, dali-dali naman siyang kumuha ng tubig at ipinainom iyon sa akin.
Nakakairita!
“Hindi ako buntis no, kung magkakaanak man ako, I'll make sure that you are not the father” bulyaw ko nga sa kanya.
He laughed, “Tsk, I'm sorry miss Naginata pero naiputok ko kasi sa loob mo kagabi so—”
“So so so ka dyan, fvck you!” mahinang bulong ko nga sa hangin.
“Tsk. I know you're inlove with me”
“huh?”
He smiled brightly, “I love you too”
I can't help but to laughed, nagtataka naman ang mukha niyang tumingin sa akin. Natatawa ako sa isiping may pagkabingi rin pala ang isang heartless mafia boss na nasa harap ko ngayon.
“Assuming ka” saad ko.
“Come on, just admit that you already have feelings for me” makulit nitong turan subalit hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin.
I took a deep breath, I'm the blood lady, and I can't disappoint miss Shuriken. All of the assassins trusted me into this mission, hindi ko sila maaaring biguin sa isang ito. Sa unang pagkikita pa lang namin, nalaman ko na kagad ang kanyang kahinaan—masyado siyang malalim kung magmahal, at ang kahinaan niya mismo ang tatapos sa kanya.
“I need work, may maiooffer kaba sa'kin? Mukha ka namang CEO eh” I ask him with a serious tone. Kaya ko namang maging secretary or kahit maid, janitress sa company niya, babysitter sa anak niya kung meron, I'm willing to do anything basta huwag lang maging asaw—
“I'm hiring a wife, maybe you can apply?” walang kwentang aniya.
Nandidilim ang paningin ko dahil sa walang katapusang pambabadtrip niya sa akin, yung sobrang seryoso ng sitwasyon tapos sasagot siya ng piloso hayst. The next thing I knew was him already holding my arm, I was holding a plastic fork that I was about to point at him. Sa halip na ma-turn off sa naging ugali ko ay bigla niya nalang akong hinalikan sa labi na siyang nakapagpatigil sa akin,
Natulala ako sa kawalan kasabay ng pagkuha niya ng tinidor mula sa aking kamay, “I'm sorry for pissing you off, I love you” he whispered that sent butteries in my stomach.
Hindi ko alam kung bakit ako namumula, my heart was pounding so fast—it was the first time it happened to me and I don't know what it means.
“Phew, kalma nagi. You're just mad at him” bulong ko nga sa sariling isipan.
Matapos nang nangyari ay hindi ko na sinubukan pang magsalita, naiilang ako sa bawat pagbaling ng tingin niya sa akin. Bigla akong kinabahan, dapat din akong mag-ingat sa paglapit ko sa kanya, pareho lamang ang aming nais at iyon ay ang makítil ang buhay ng isa't isa.
Hanggang sa makarating kami ng Maynila ay hindi ko siya kinikibo, he keeps apologizing for kissing me and I just made him feel guilty about it. Nanlalamig ang mga palad ko sa tuwing lalapit siya sa akin, natatakot akong maunahan niya.
“Dito nalang ako” I said to him.
Hininto niya ang kotse sa palengke, at doon niya nga ako binaba. I was about to leave when he suddenly called my name, agad naman akong napahinto at nilingon siya.
“Take this” pahabol nitong sambit.
“Ano 'yan?”
“My business card, just in case you'll take the job I'm offering you” He replied, dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at kinuha ang iniaabot niya sa akin.
Ngumiti ako ng peke, “Salamat sa paghatid”
“Take care of yourself, Nagi” nakangiti siyang kumaway sa akin bago niya tuluyang pinaharurot palayo ang sasakyan.
“Thank you, Lord. He's finally gone” I said to my mind in relieved. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nagkahiwalay kaming dalawa nang wala man lang siyang nalalaman patungkol sa tunay kong pagkatao.
Wala akong pinalampas na oras, I immediately went to the headquarters department after that. Katulad ng nakasanayan, isang magalang na pag ngiti ang iginagawad sa akin ng mga assassins sa pagdaan ko.
Marami pa rin ang mga misyon na dapat gampanan ngunit maswerte sila, isang makapal na folder lamang ang kanilang pasan, at magagaan na misyon lamang iyon. Hindi gaya ko na kay nipis lamang ngunit dito nakaangkla ang hininga naming lahat.
When I reached ma'am Shuriken's office, agad akong kumatok sa pintuan na siyang binigyan niya naman ako ng pahintulot upang pumasok.
“Ikaw pala, blood lady. Kumusta ang misyong pinapagawa ko sa'yo?” bungad niyang tanong sa akin.
I smiled proudly, “Nakilala ko na po ang target, ma'am”
“Good, hindi nga ako nagkamali na ikaw ang aking pinili sa paggawa ng misyong ito. Siya nga pala, hanapin mo ang hide out ng kanilang mafia group, doon itinago ni Mr. Luciano ang pulang USB na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa kanilang grupo na magagamit natin upang pabagsakin sila”
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya, kailangan ko nga talagang mapalapit kay Mr. Luciano ngunit ayaw kong isakripisyo ang dangal ko bilang babae para lang sa isang misyon. Hindi biro ang pagpapakasal, at ang anakan ng isang mafia boss, nakakadiring isipin.
“Blood lady” she called
“Are you still listening?” maistriktang tanong ni ma'am Shuriken na siyang nakapagpabalik sa akin sa ulirat.
“I'm sorry, ma'am” mahina kong sagot.
She took a deep breath before answering me, “Is there a problem?”
Sampung taong gulang pa lamang ako noong kupkupin at arugain ako ni ma'am na para bang tunay niya akong anak, lahat ng problemang dinadala ko noon ay batid niya ngunit hindi ako sigurado sa isang ito kung dapat ko bang sabihin sa kanya.
“Bakit hindi ka makapagsalita, blood lady?” tanong niyang muli na nakapagpabasag sa nakakabinging katahimikan ko.
“I went to the bar yesterday, kasama ko si Irene. Dinamayan ko lang yung kaibigan ko,” huminto ako ng bahagya, nahihirapan akong ikwento ang kat4ngahang nagawa ko kagabi.
Tumingin si ma'am Shuriken sa akin na para bang nag-aantay ng kasunod kong sasabihin,
“Nalasing ako ng husto, at...”
“Doon mo nakilala ang assassination target mo?” panghuhula niya na tumango naman ako bilang pagsagot.
“May nangyari sa'ming dalawa, tinanong ko siya kung may maiooffer ba siyang trabaho sa'kin ngunit pilosopong sagot lamang ang ibinigay niya. He was hiring me to be his wife, para niya na rin akong binili kung papayag ako sa inaalok niya” pagrarant ko nga kay ma'am na para bang paslit pa rin ako.
Sa halip na magalit ay tinawanan niya lamang ako na naging dahilan ng pagtaas ng isa kong kilay, “Accept it, it's a great opportunity for your mission, hayaan mo siyang mabalíw sa'yo nang sa gayon ay maging madali na lamang ang lahat” suhestiyon nito na mabilis ko namang tinanggihan.
“Bakit? Mayroon pa bang ibang paraan?” kunot-noong tanong niya sa akin.
Ito ang unang beses na hindi ako pumayag sa nais niyang mangyari, nakakainis isipin na wala na akong maisip na iba pang paraan upang mas mapadali ang misyong ito.
“What's that?” ma'am asked while pointing at the business card I was holding. She snatched it from me, hiniram niya rin ang cellphone ko, at siya na nga mismo ang gumawa ng desisyon para sa akin.
Tinawagan niya si Kyle, gusto niyang tanggapin ko ang offer nito sa harap niya mismo. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya ay hindi ko gagawin ang bagay na ito,
“Hello? Who's this?” rinig ko ang malalim na boses ni Mr. Luciano sa kabilang linya ng telepono.
Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone mula sa kamay ni ma'am na siya ngang iniaabot niya sa akin kanina pa.
“H-hi, it's Naginata” nauutal ko pang turan.
“Oh I see, did you missed me?” nang-aasar nanaman niyang tanong sa akin, as if mamimiss ko siya. Tinignan ko si ma'am Shuriken, sinesenyasan niya akong makisabay na lamang sa kalandian nitong si Kyle, nakakabwísit talaga.
“Yes, I missed you” napapikit ako sa kahihiyan, para akong masusuka sa mga salitang binibitawan ko.
“Uhm... I called you nga pala kasi willing na akong tanggapin yung offer mo. Mag-aapply ako para maging asawa mo” I stated, hindi naman magtatagal ang pagsasama naming dalawa dahil malapit na ang oras niya, este—oras nila ng mga tauhan niya.
“Congratulations, you're hired. I fvcking love you, wife” excited nitong sambit.
Napapangiwi ako sa kalokohang ito, kung hindi ko lang sana tinanggap ang misyon, paniguradong hindi naman ako maiipit sa ganitong set up ng pagpapakasal.
Pero nangyari na, hindi ko na alam ang daan palabas sa isang destinasyong pinili kong tahakin.