Sampung taong gulang pa lang si Nevaeh nang mamatay ang kanyang ina.Pagdating ng labing-walong taong gulang niya, pati ang ama niya ay pumanaw din.Sa taong iyon, malinaw na nangako si Jeston sa harap ng kanyang ama.Sinabi nitong aalagaan niya si Nevaeh.“Don’t worry, Uncle. I will treat her well,” sabi pa niya noon.Pero apat na taon lang ang lumipas…Hindi, hindi pala.Ilang sandali lang matapos mamatay ang ama niya, nagsimula nang magbago si Jeston. Unti-unti itong naging malamig sa kanya. Madalas pa siyang kutyain at maliitin. Anuman ang gawin niya, lagi nitong iniisip na may masama siyang intensyon.Hindi lang isang beses ipinaliwanag ni Nevaeh kay Jeston kung bakit gusto niyang maging scriptwriter. Gusto niyang magsulat ng mga kuwento kung saan ang mga karakter ay may kumpletong pamilya.Mga karakter na may mga magulang na buhay pa, na lumaki sa pagmamahal. Sa paraang iyon, nailalagay niya sa kuwento ang pangungulila niya sa mga magulang.At ang pangarap niya na magka
Read more