Nasa bar na sila at kumpleto na silang apat. "Oh! Magtapat ka na Valeen Johnson. Alam namin may problema kang gaga ka. Ayaw mo pang umamin tayo tayo lang naman dito." prangka ni Jane at ang bunganga talaga nito kahit kailan ay hindi mapigilan. "Wala nga! Ano ba kayo, masama ba na gusto ko kayong makasama lahat. Ang tagal na rin ng huling bonding natin." wika ni Valeen at ayaw talagang umamin sa kanyang mga kaibigan. "Ok sabi mo e, Valeen Johnson. Let see kung maitago mo pa yan sa aming lahat." ngising wika ni Jane sabay abot ng alak at ang taas ng tagay nito. Kinuha ito ni Valeen at hindi nagreklamo. Sa totoo lang gusto niyang magpakalasing para mawala sa isipan niya si Vince. Nalaman niya kasi sa kuya Carl niya na bumalik ito ng China. "Cheers!!" sigaw ng malakas ni Valeen kasabay ng pag-angat niya ng kanyang glass. "Cheers." magkasunod na sabay ng tatlo niyang kaibigan na si Jane, Patrizia at Clarissa. Marami pa silang nainom. Hanggang sa tinamaan na sila lalo sina
Read more