Matapos ang work ni Carl umuwi na siya sa bahay nila Stef kung saan naroon ang mag-iina niya. Gusto pa sana ng Mommy Veronica niya na magstay sila doon kaso nahihiya na rin talaga si Stef. "Love, bakit gising ka pa?" tanong ni Carl rito nang maabutan sa sofa. "Hinihintay kita love, medyo late ka na yata?" tanong ni Stef. Pero wala naman siyang ibang nais ipahiwatig. "Sorry, love si Valeen kasi pumunta saka si Vincent. Anyway, si Valeen na ba talaga ang napili mong maid of honor?" tanong ni Carl. "Oo e, pero kung busy siya hindi na lang. Ayaw kong maka istorbo sa kanya." aniya. "Hindi naman siya busy at isa pa Civil wedding pa lang naman iyon. Unless gusto mong mag church wedding na." tanong ni Carl. "Hwag muna love at napakaselan ko talaga ngayon. Naninibago nga ako e, kung bakit ganito ako ngayon.. Samantalang dati naman hindi e, malayo kay Carlos na wala nga akong masyadong paglilihi di kagaya ngayon. Sobrang hirap ng pinagbubuntis ko. Unting kilos ko feeling ko dudugui
Read more