One Month Later.. Simula ng umalis si Vince. Buong akala niya ay makakalimutan na niya si Valeen pero iyon ang pagkakamali niya. Mas heto pa pala ang magdudugtong sa kanilang dalawa. May party sa Mansyon nila Carl. Sakto naman kakabalik lang niya sa Pilipinas. Nainvite siya ng Mommy Victoria ni Carl at hindi naman niya matanggihan. Pagkarating niya sa Mansyon ng mga Johnson. Sinalubong agad siya ni Carl. "Bro, buti nakarating ka. Tara sa loob?" yakag ni Carl. Habang naglalakad sila panay naman panakaw nakaw niya ng tingin. Umaasa siya na makikita niya si Valeen ngayong araw. "Bro, si Mommy." ani ni Carl. At magalang naman siyang nag bless kay Victoria. "Hijo, kaawaan ka ng Diyos. Mabuti na lang talaga nakarating ka. Anyway, nagkita na ba kayo ni Valee?" tanong nito na ikinagulat ni Carl. "Mommy, ano ba yang pinagtatanong niyo sa kaibigan ko." singit ni Carl. "Ano ka ba hijo, wala naman masama sa tanong ka. At isa pa gwapo at mabait 'tong kaibigan mo. Bakit hindi
Read more