Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan
Terakhir Diperbarui : 2026-05-05 Baca selengkapnya