"Vincent, feel yourself at home, okay? Kung may need ka pa, h'wag kang mahihiyang magsabi sa 'kin, ha?" malambing na sabi ni Michael nang makarating na sila sa kaniyang mansion. "Opo, tito Mike!" "Very good. Ang mabuti pa, umakyat ka na muna sa kwarto. Sasamahan ka ng magiging bodyguard mo," sabi pa nito bago niya senyasan ang kaniyang tauhan. "Halika na, Vincent." Nang umalis ang bata ay saka naman hinarap ni Michael ang kinakabahang si Fortuna. "B-Bakit mo ba kami dinala rito? A-Ano ba'ng pakay mo sa 'min?" natatakot na tanong ni Fortuna. Ngumiti nang tipid si Michael at dahan-dahang naglakad palibot sa dalaga. "Hindi ko na kailangan pa'ng magsabi sa 'yo, Fortuna, dahil sigurado akong alam mo kung ano ang pakay ko," kalmado ngunit may awtoridad na sabi ni Michael. "At ikaw ang pakay ko." "Ano ba? Bakit ba palagi mo na lang akong sinusundan? Nagawa ko naman ang pinagagawa mo sa—" "Hindi lang 'yon ang gusto kong mangyari, Fortuna. Gusto ko, nandito ka lang sa tabi ko. Gusto ko
Last Updated : 2026-04-03 Read more