Janessa POVAlas singko na ng hapon nang makarating kami ni River sa restaurant. Tuwang-tuwa ko itong inikot kasi ang laki pala. Ang laki ng kusina, ang laki ng buong paligid, pati ang parking-area. Ang galing ni River sa pagpili ng puwesto kasi may pagpa-parking-an ang mga taong may dalang sasakyan.“Ang ganda, River. Pati ang pintura ng buong paligid,” puri ko sa kaniya. Inspired sa kulay ng carbonara ang kulay nitong restaurant namin kasi pasta kasi ang mga pinaka-main menu dito.Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na isang buwan lang ang nakalipas ay bakanteng puwesto lang ito.Puro plano lang nung una. Puro drawing palang kami. Puro pangarap lang nung nakaraan, pero ngayon, wow, pasabog dahil nakatayo na ito sa harapan namin.Totoong-totoo nang natupad namin ni River ang magkaroon ng kainan. Buo na siya at may pintura na.Mayroon na rin ilaw, kisame, tiles, electrical system na, at may kitchen area na rin.Kung tutuusin, konting gamit na lang ang kulang.Mga lamesa, upuan, kagamit
Read more