Jalina POVBago umalis si Tita Hera, kinausap pa niya ako.Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. “So, anong desisyon mo, Jalina, ibibigay ko na ba ang sahod mo sa ilang araw na pinasok mo rito at aalis ka na, o mag-stay ka pa rin dito sa hacienda ko?” seryosong tanong niya habang titig na titig sa mukha ko.Matagal bago ako sumagot. Nakipagtitigan muna rin ako sa kaniya pero sa totoo lang, gusto kong durutin ang lintik niyang mata dahil napakawalanghiya niyang kapatid sa nanay ko. Wala siyang kuwenta, demonyo, bruha at putangina niya. Ang dami kong gustong sabihing masasakit na salita sa kaniya pero hindi ko mailabas dahil wala pa akong power na gawin iyon. Nasa ibaba pa ako, masyadong nasa itaas pa siya kaya wala akong kalaban-laban. Kung aatake ako ngayon, mabilis niya akong matatalo o maaapakan, kaya utak at pagtitimpi ang pinairal ko.“Kagabi po ay napagtanto kong may kani-kaniya na kaming buhay. Si Nanay, siguro naman ay kaya na niya ang sarili niya. Ako, gusto kong magin
Read more