Janessa POVPinatanggal ko sa mga armado kong tauhan si Danita sa basag na salamin ng harap ng kotse niya. Okay pa naman. Nakakatayo, iyon nga lang, parang si Mikoella, puro bubog ng salamin ang katawan.“Okay ka pa naman ba, Danita?” tanong ko sa kaniya.Nakakunot ang noo niya. “Hindi pa ba sapat ito, Atalia?” tanong niya habang dumudugo ang buong katawan niya.Umiling ako. “Actually, tapos na ako sa iyo, oo, pero may dalawa pang maniningil sa iyo,” sagot ko.Napalingon na lang kami sa likuran nung isa-isa ng dumating ang mga magagarang kotse. Nanlaki ang mga mata ni Danita kasi agad niyang nakilala ang mga iyon.“Oh my, oh my, oh my gosh, bakit nandito ang lahat ng kotse ko?” tanong niya habang isa-isang tinitignan ang halos sampung luxury car.Lumapit ako sa kaniya. “Kotse mo?” tanong ko.“Oo, kotse ko lahat ‘yan,” pagtatama niya kaya sinampal ko siya. Bumaon tuloy ‘yung bubog sa pisngi niya.“Araaaayyyyyyy!!!!”“Paano mo naging kotse ‘yan, e, pera ko ang lahat ng ginamit sa pagbil
続きを読む