Natapos ang misa.Isa-isang tumayo ang mga tao, ngunit si Louissa ay pumunta pa sa harap ng altar at lumuhod. "Mahal..." Tawag ni Miguel si asawa. Ngunit hindi siya pinansin ni Louissa. Nakatitig lang ito sa krus, tila ba doon kumukuha ng lakas na matagal na niyang hinahanap. Dahan-dahan siyang napapikit. 'Hanggang kailan po ako magtitiis? Hanggang kailan ako magpapanggap na okay pa ang lahat?' Sa likod niya ay napabuntong-hininga si Miguel. Hindi na siya lumapit pa, alam ni Miguel na kapag pinilit niya ay lalong lalayo lang ang loob ng asawa sa kaniya. "Miguel, let's go na," bulong ni Leandra, bahagyang hinahaplos ang braso ng lalaki. Agad na tinanggal ni Miguel ang braso ng babae sa takot na baka makita ng asawa. "Mauna ka na," malamig niyang sagot, ang tingin ng lalaki ay nasa asawa. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Leandra, nagngingitngit sa selos at inggit ang babae, hindi nito nagustuhan ang tono ni Miguel.Samantalang si Maximillian ay nanatili lang ring nakaupo sa
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-10 Mehr lesen