Lumipas ang mga araw, at sa labas ay tila normal ang lahat. Naglalakad si Louissa sa bahay na may ngiti, ngunit sa loob ng puso niya ay nagliliyab ang galit, pait, at lihim na pagnanasa. Tuwing nakikita niya ang asawa, ang bawat halakhak, yakap, o pagtingin nito ay nagdudulot ng matinding kirot sa dibdib niya. Kirot na kailangan niyang ilabas—hindi sa harap ng iba, kundi sa sarili niyang paraan. Madalas na ring dumadalaw si Maximillian sa kanilang mansiyon. Ang rason nito ay dahil daw peaceful at tahimik sa bahay nila Louissa, kahit ang totoo ay si Louissa lang naman talaga ang sadya nito. At minsan nang may nangyari sa kanila sa loob mismo ng bahay na kanilang kinatatayuan. Isang hapon, dumalaw na naman si Maximillian sa bahay nila Louissa. Habang nag-aayos ng mga gamit sa sala, lumapit si Maximillian. Casual ang dating niya, hawak ang baso ng tubig, ngunit may halong pang-aakit sa bawat galaw. "You're busy?" tanong nito, hawak-hawak ang baso ng tubig, at tumayo malapit sa kan
Last Updated : 2026-04-02 Read more