THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 14ALICE“Kasi ayaw mo na kami ang masusunod ni daddy, mommy.” Mabilis akong na-patingin kay Colt, habang nag-iwas siya ng tingin. Alam ko na masama ako, pero hindi ko akalain na may mas masama pa sa akin, lalo na sa ginawa niya sa mag-ama niya, ngayong ako ang kasama nila, ay gusto kong maranasan nila ang maging masaya, kahit sandali lang. “Dati lang ‘yon, ngayon gusto kong kayo na ang masusunod. Lalo kana Cody.” Ngiting wika ko sa kanya, habang mahigpit niya akong niyakap. “Salamat mommy..” sambit niya sa akin, habang ngumiti ako sa kanya. Nang madaanan namin ang building na pinasabog ko, ay napansin kong nakatingin dito si Colt. “Ano kaya ang nangyari r’yan?” Napatingin ako sa bintana ng kotse, habang lihim na napangiti. “Kung ano man ang nangyari r’yan, ginusto nila ‘yan.” Sagot ko kay Colt, habang mabilis na tumingin sa unahan ng kotse. Nang marating namin ang paboritong restaurant ni Cody, ay agad akong napatingin sa paligid, dahi
Read more