THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 24ALICE"Tama ang asawa mo Mr. Tan, ang mga bagay na ganyan, ay hindi naman talaga dapat katatakutan." Ngiting wika niya, habang naikuyom ko ang kamao ko. Mabuti kung gano'n Leo, 'wag kang matakot sa akin, dahil unti-unti kong kunin sa 'yo ang mga taong sa tingin mo kakampi mo, bago ko kunin sa 'yo ang mga taong mahal mo."Mauna na muna ako, babalikan ko lang ang asawa ko." Paalam niya sa amin, habang mabilis na tumango sa kanya si Colt. Matapos kaming kumain, ay sa kotse na ni Colt, kami sumakay."Bakit kayo magkakilala?" Tanong ko sa kanya, habang nilingon niya ako. "Sino?" tanong sa akin. "'Yong asawa ng may-ari ng restaurant," sagot ko habang ngumiti siya sa akin. "Isa rin siyang sikat na businessman, marami na rin siyang negosyo, hindi lang dito pati na rin sa ibang bansa." "Business partner ko rin siya, pero ang alam ko, hindi talaga siya ang CEO sa kumpanya, ayon sa narinig ko ay kapatid niya ito." Naikuyom ko na naman ang kamao
Read more